Keep Reading

Como esta?

West Bay, Cayman Islands
This post is password protected.




The past few days medyo down ako kasi feeling ko sobrang daming kong ginagawa at sobrang daming nangyayari all at the same time. Nakakapagod din. Full 8 hours kong dinedevote ang sarili ko sa work, unlike sa previous job ko na andaming mental breaks in between (e.g. yung kunwari nag wowork ka pero lumilipad yung utak mo, lamo yun?). Sa work ko ngayon, kailangan attentive from 8am-1pm kasi diredirecho ang pasok ng wires. So ayun na nga, sa bank ako nag wowork diba, so ako nag approve ng mga wires tranfers. Well since sa brokerage side ako, ang mga wires na pumapasok at lumalabas ay hindi ganon ka straightforward, gamit na gamit yung ram ng utak ko bhie.


Well anyway, enough about work for now, maybe later on chika ko dito mga ganap na drama lol. Odiba, pang ilang blog ko na to? Pero this time gusto ko na siya gawin organic. As in kung ano talaga yung nasa isip ko lol. Minsan kasi hirap din mag curate diba? Yung parang you need to sell a story. Not saying ganon ginagawa ko before pero medyo papunta na nga don. Eh di naman yon ang true essence kaya ako nag start mag sulat. Grabe dati kaya kung ano lang maisip mo ipopost mo na! Diba?! O sinong nakarelate?


Minsan naisip ko, bakit ko nga ba ginagawa lahat to? Ano bang gusto kong patunayan? Bakit sulit na sulit yung pagod kong mag aral eme. Parang feel ko naman najustify ko na sa mga magulang ko na mabuti akong anak lol. Pero parang di parin enough. May mga nakakafeel ba nun? Di ko alam saan nanggagaling yung pressure. Pero parang feel ko kasi sinasayang ko yung buhay ko pag hindi ako productive. Pero at the same time, di ba parang sinasayang ko narin yun pag wala na akong ibang ginawa sa oras ko kundi magtrabaho, magaral, o mag negosyo?


Gusto ko din naman mag spend time with my family and friends, pero the sad reality is, paano ka nga ba sasaya kung walang moolah? Hirap diba? Yan naman ang parating trade off eh, yung time and money. Ok may pera ka, pero may oras ka pa ba? Ok may oras ka, pero may pera ka ba? lol Sana all pinanganak na priviledged. Haynako kung alam nyo lang, ang basic life dito sa abroad, ay hayahay na buhay na sa Pinas. Sad but true. Narealize ko yan bilang immigrant. Biruin mo, sobrang daming  conveniences dito na wala sa Pinas. Eh yung transportation or traffic pa nga lang eh. Tapos yung benefits mo, tapos yung sweldo mo. Pero don't get me wrong ha, marami ding eme dito. Pero overall, yung normal na citizen dito ay para nang maharlika sa atin. Promise no joke. 


Anyway dami ko na sinasabi~Sunday ngayon here. Galing kami sa fun run. Ok masaya naman. Realization ko, sana bata pa lang ako namulat na ako ng proper nutrition at anything related sa health. Edi sana appreciate ko ang importance ng pag exercise at pag kain ng tama diba? Oh well, never too late to start naman, pero sana mapanidigan ko ito noh. Sana pumayat manlang ako konti bago umuwi ng Pinas para naman di ako sinasabihang mataba ng mga Marites!!!



In a few minutes mag aaral na naman ako. I'm taking kasi Canadian Securities Course, required sa work ko if gusto ko maging investment advisor in the future. Edi gora lang diba, support naman ng workplace ko. So meron kami study group every Thursday and Friday for 2 hours after work. NAKAKAPAGOD BEH!! Pero anyway whatever, ginusto ko to eh. So last study group session namin I flunked badly, syempre na demotivate ako ng slight. Feeling ko na ang bobo bobo ko. Pero never say never! So yun di kami mag momove on sa next topic until ma perfect namin yung Chapters 1-4. At sa Economics talaga ako nahirapan mga momshies, considering na yon naman ang tinapos ko haha ang ironic diba? Pero anyway, wish me luck, sana di ako maburnt out. Ang layo pa ng journey ko.... CSC 1 palang ito, may 2 pa, tapos CPH, tapos Options/Derivatives. Kailangan ko daw malisensyahan by next year para makapag broker/trading na ako! 

Comments

Form for the Contact Page